
Disyembre 23, 2019, Daet, Camarines Norte – Kinukondena ng pamunuan ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) ang ginawang paglabag ng mga teroristang CPP-NPA sa kasalukuyang Suspension of Offensive Military/Police Operations.
Tahasang pinakita ng mga teroristang CPP-NPA ang kanilang paglabag sa kabila ng pagdedeklara kaninang alas dose ng madaling araw December 23, 2019 hanggang ika-7 ng Enero 2020 patungkol sa Joint Statement of Ceasefire sa panig ng militar/pulisya at CPP-NPA ng ating mahal na Pangulo.
Lubos na ikinalungkot ng pamunuan ng Camarines Norte Police Provincial Office ang pananambang na naganap sa Brgy. Baay, Labo, Camarines Norte kaninang alas – 9 ng umaga, December 23, 2019. Ito ay ginawa ng mga teroristang
grupong CPP-NPA sa tropa ng 92 nd Division Reconnaissance Company (92DRC) habang sila ay pabalik sa kanilang headsquarters na nakabase sa 902 nd InfantryBrigade, Brgy. Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte mula sa isang lihitimongoperasyon bilang pagsunod at pag obserba sa Suspension of Offensive Military Operations (SOMO).
Walang habas ang pananambang na isinagawa ng mga nasabing teroristang CPP-NPA na ikinamatay ng isa (1) at ikinasugat ng anim (6) sa tropa ng pamahalaan gamit ang pampasabog na Improvised Explosive Device (IED).
Dahilan sa nasabing pangyayari ay ipagpapatuloy ni PCol Marlon C. Tejada, Provincial Director ng Camarines Norte PPO ang pagpapairal sa lahat ng kapulisan ng Camarines Norte ng “Full Alert Status” .
Dahil sa pananambang ay hindi muna magdiriwang ang kapulisan sa lalawigan ng Christmas at New Year’s Break para sa mas handa, preparado upang maidepensa ang kanilang mga sarili at pamayanan sa anumang masamang gawaing nakaambang gawin muli ng mga teroristang CPP-NPA sa buong lalawigan.
Patuloy na ipapatupad at susunod ang buong hanay ng Camarines Norte PPO sa dineklarang Suspension of Offensive Police Operations (SOPO) upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa buong probinsiya bilang pagsasaalang alang sa tunay na kahulugan ng Pasko, ang pagmamahalan at pagkakaisa.
Press Release of CNPPO
Camarines Norte News

