Enero 2, 2019, Daet, Camarines Norte – Umabot na sa walo (8) ang bilang ng mga indibidwal na nagtamo ng injury dulot ng pagpapaputok kaugnay ng pagsalubong sa bagong taon sa lalawigan.
Base sa tala ng Health Emergency Management Staff (HEMS) ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH), tatlong kaso ang naitala bago sumapit ang mismong araw ng bagong taon habang lima naman ang naitalang kaso kasabay ng pagdiriwang ng New Year’s eve.
Kabilang sa lima (5) ang isang 28 anyos na babae mula sa Brgy. Camambugan na nagtamo ng 2nd degree burn sa leeg matapos tamaan ng kwitis habang isang 28 anyos na lalaki naman mula sa Purok 3, Brgy. San Ramon, San Lorenzo Ruiz ang nagtamo ng 2nd degree burn sa kaliwang kamay dahil rin sa kwitis.
Isang 21 anyos na lalaki naman mula sa Barangay 2, Mercedes ang nagtamo ng 2nd degree burn sa kanang kamay dahil naman sa pagpapaputok ng ribentador.
Nagtamo naman ng 2nd degree burn sa kanang kamay ang isang 31 anyos na babae mula sa Brgy. Mancruz, Daet dahil sa lusis.
Ang pinakabatang biktima naman ngayong taon ang isang 5 taong gulang na bata mula sa Brgy. Camambugan, Daet dahil din sa kwitis
Samantala, limang taong gulang na bata naman ang naitalang pinakabatang casualty mula sa Brgy. Camambugan, Daet na nagtamo ng injury mula sa kwitis.
Napag alaman din na nito lamang nakatalikod na Lunes ay isang 35 anyos na lalaki mula sa Brgy. Gubat ang tinamaan naman ng ligaw na bala mula sa air gun kasama pa ang naunang dalawang kaso ng firecracker related injury mula sa bayan ng Jose Panganiban at Talisay kung saan naputukan ng five star at boga ang mga biktima.
Magugunitang puspusan ang pagpapaalala ng mga ahenisya ng gobyerno bago pa man sumapit ang bagong taon ukol sa pagbabawal ng pagpapaputok para sa ligtas na pagdiriwang subalit tila hindi pa rin ito umubra sa ilan na sumuway pa rin sa kabila ng mga babala.
Camarines Norte News