OTORIDAD NAGPAALALA KASUNOD NG PAGKALUNOD NG TATLONG KALALAKIHAN SA KARAGATANG SAKOP NG BAYAN NG MERCEDES!

Enero 2, 2020, Mercedes, Camarines Norte – Nagpaalala ang otoridad ukol sa pagpapahalaga sa kaligtasan kasunod ng pagkalunod ng tatlong kalalakihan sa karagatang sakop ng Purok 1, Brgy.  San Roque, bayan ng Mercedes.

Nabatid na bago matapos ang taong 2019, nitong nakatalikod na Disyembre 30 ay tatlong kalalakihan na pawang mga residente ng Brgy. Pacol, Naga City ang nalunod habang naliligo sa dagat sa nasambit na lugar.

Kinilala ang mga biktima na sina Jayson Tino y Guianan, 23 anyos, idineklarang dead on arrival sa pagamutan habang inilipat naman mula sa Panlalawigang Pagamuan patungo sa Bicol Medical Center ang dalawang kasamahan nito na sina Raymond Briz, 23 anyos at Renan Guianan, 23 anyos.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nasa malalim na bahagi ng dagat naglalangoy si Jayson ng mapansin ng dalawang kasamahan nito na nalulunod ito.

Tinangka naman itong iligtas ng dalawang kasama subalit maging ang mga ito ay tinangay din ng malakas na alon na naging sanhi na pagkalunod.

Agad namang humingi ng tulong ang mga nakasaksi dito sa MDRRMO Mercedesat MDRRMO Daetna agad ding rumisponde sa mga nalulunod.

Paalala ng kapulisan, magdoble ingat sa paglalangoy sa dagat lalo na kung hindi kabisado ang lugar tulad na lamang ng mga nalunod na pawang mga bakasyunista.

Makabubuti umano na maligo o maglangoy lamang ay sa ang mga designated swimming areas na makikita sa kahabaan ng Bagasbas Beach dahil ito ang bahagi ng karagatan na idineklarang mababa ang posibilidad ng panganib at may mga nakatalagang life guards upang masiguro ang kaligtasan.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *