Enero 10, 2020, Mercedes, Camarines Norte – Sinisimulan na rin ng Pamahalaang Lokal ng Mercedes ang pagtatayo ng Sanitary Landfill bilang tugon sa ipinatutupad ngayon ng Department of Environment and Natural Resources o DENR sa buong bansa.
Sa Enero 28 hanggang 30, 2020 nakatakdang tumungo sa mga lugar ng Marikina City, lalawigan ng Bulacan at Nueva Ecija ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Mercedes at mga Department Heads upang magsagawa ng pagbisita at pag aaral kung papano ipinatutupad sa nasabing mga lugar ang kanilang solid waste management.
Titingnan ng nasabing mga opisyal ng Mercedes kung alin sa kanilang pupuntahan ang maaaring maipatupad sa kanilang bayan o para sa kanilang isasagawang Sanitary Landfill.
Sa panayam ng Cool Radio News kay Municipal Administrator Elmer Nagera, pinag aaralan ng LGU ang posibilidad na pag convert ng kasalukuyang limang ektaryang dump site tungo sa isang Sanitary Landfill sa Barangay Gaboc ng naturang bayan.
Sa ilalim ng pamumuno ng bagong alkalde ng bayan ng Mercedes na si Mayor Boy Morales, isa ang Sanitary Landfill ang isa sa kanyang mga prayoridad sa ngayon para hindi na rin lumaki pa ang problema hiinggil sa basura ng nasabing bayan.
Rodel M. Llovit
Camarines Norte News