NEGOSYANTE, PINATAY AT INILIBING SA SARILING COMPOUND, SUSPEK ANG MISMONG KASAMBAHAY!

Enero 16, 2020 | Daet, Camarines Norte – Walong araw bago nadiskubre ang pagpatay sa isang negosyante sa Barangay Lag-on sa bayan ng Daet.

Kinilala ang biktima na si Emilio “Jun” Aytona Y Leynes 70 taong gulang, negosyante at nagmamay-ari at naninirahan sa Canimog Hotel sa Barangay Lag-on sa bayan ng Daet, Camarines Norte.

Kaninang alas dos Y media ng madaling araw, Enero 16, 2020 ng matuklasan ng anak ng biktima na si Paul Michael Aytona sa pamamagitan ng CCTV footage na hinihila ng suspek na si Nestor Quiñonez Y Nabo, ang kanya ama at inilibing sa isang bahagi ng compound ng naturang hotel noong lamang ika 8 ng Enero ng kasalukuyang taon.

Sinubukan ng anak na ireview ang kanilang CCTV footage dahil hindi na nila nakita ang biktima na lumagpas ng ng isang linggo ang kanilang paghahanap at walang anumang komunikasyon sa ama.

Matapos matuklasan ang pangyayari, noong oras ding yun, agarang ipinaabot sa pulisya ang pangyayari na agaran ding ikinaaresto ng suspek.

Ang suspek na si Quinonez ay residente ng Poblacion 2 sa bayan ng Basud, 54 anyos, may asawa at naninilbihan sa pamilya ng biktima ng mga Aytona bilang katulong.

Nahaharap sa kasong Murder ang suspek na ngayon ay nakapiit na sa Daet Municipal Police Station Detention Cell.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *