Nagsagawa ng facebook livestream ang CongTours nitong ika-10 ng umaga, Setyembre 21, 2020 sa pangunguna ng kongresista ng unang distrito, Josie Baning Tallado bilang isa sa mga espesyal nitong episodes.
Tampok sa nasabing livestream ang mga naggagandahang lugar, mga pook pasyalan at mga aktibidades na itinatangi ng bawat bayan sa nasabing distrito at isa-isang tinalakay ang mga katangian nito
Kaugnay pa nito ay nagkaroon ng Trivia Questions patungkol pa rin sa tourist spots ng distrito, kung saan ang mga nanalo ay nakatanggap ng Huawei Tablets.
Layunin ng programa na ipakilala sa mga turistang magnanais na bumisita sa probinsya ang mga lugar na kadidiskubre pa lamang gayundin ang mga noon pa man ay dinarayo na ng mga tao, kabilang na ang mga sumusunod;
- Nuestra Senora de candelaria church – Paracale
- Gold Panning – Paracale
- Bag-Angan Farm Resort, Labo
- Tinagong Beach, Capalonga
- Pulang Daga – Paracale
- Black Nazarene – Capalonga
- Padayog Festival – Sta Elena
- Malatap Falls – Labo
- Capalonga Light House – Capalonga
- Maligaya Falls – Labo
- Jose Ma. Panganiban Shrine – Jose Panganiban
- Pulong Guit-guit- Sta Elena
- Pag-Asa Falls – Labo
- Parola Island – Jose Panganiban
- Turayog Viewdeck – Jose Panganiban
- Palong Festival – Capalonga
- Pabirik Festival – Paracale
- Mambulao Festival – jose Panganiban
- Busig-on Festival, Labo
- Macolabo Island – Paracale
- GUmaos Beach – Paracale
- Pulong Guijanlo – Capalonga
- Capalonga Zipline Adventure –Capalonga
- ATV Adventure – Paracale
Camarines Norte News

