MODERNONG DAY CARE CENTER O NATIONAL CHILD DEVELOPMENT CENTER (NCDC), ITATAYO NGAYONG TAON SA BAYAN NG STA. ELENA

Sa pakikipagpulungan ni Cong. Josie Baning Tallado ng First District, kay Deputy Executive Director Rommel J. Isip ng Early Childhood and Development Council nitong Pebrero 6, 2020, ay pinaplano nang itayo ngayong taon ang isang Modernong Day Care Center o National Child Development Center (NCDC).

Ipinaliwanag ni Dir. Rommel ang kagandahan ng NCDC, sapagkat kompleto ito sa mga makabagong kagamitan at pasilidad para sa mga bata na magpapaganda pa lalo ng resulta sa kanilang pag-aaral.

Ang halimbawa ng NCDC na itatayo sa Sta. Elena ay ang larawan na inyong nakikita.

Sa ngayon ay naipasa na ang mga dokumentong kinakailangan ng ECCD at paglalagda na lamang sa Memorandum of Agreement ng LGU at ng ECCD, upang malagyan na ito ng pondo para sa pagpapatayo ng nasabing proyekto.

Nasabi rin ni Cong. Josie Baning Tallado na pinagpaplanohan niya na sa mga susunod na taon ay maisama din sa budget ang pagkakaroon ng ganitong proyekto sa bayan ng Jose Panganiban at Paracale.

Camarines Norte News,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *