March 2, 2020
Matapos ang ika 32-regular session ng Sangguniang Panlalawigan ay tuluyan nang naaprubahan ang batas na ipinapatupad ng Lokal na pamahalaan, ang pagkakaroon ng isang malinis at libreng palikuran sa bawat establisyemento dito sa lalawigan ng Camarines Norte.
Dahil sa ordinansang ito ay maaari nang ireklamo ng mga kustomer ang mga establisyemento, ito man ay mapa Malls, Restaurants, Supermarkets, Transport Terminals at maging mga Resort & Bathing Places. Kung mapapatunayan na wala silang malinis at libreng palikuran or Comfort Room para sa kanila.
Nakadepende naman sa laki at sa dami ng mga kustomer sa isang straktura ang bilang ng mga comfort room na ilalagay sa mga ito. Kinakailangan rin na nakahiwalay ang CR ng Lalaki at Babae para naman sa privacy at respeto na rin sa isat-isa. Dapat rin na PWD and Senior Citizen Friendly ang mga palikuran.
Papangunahan naman ng Sanidad katulong ang lokal na pamahalaan at maging ang PNP kung kinakailangan, ang pagpapatupad ng nasabing Ordinansa. Sa mga mahuhulihan na hindi sumusunod sa nasabing batas ay may nakahandang Penalty Fine at pagkatanggal ng Business Permit ang naghihintay sa mga ito.
Camarines Norte News,