MAGULONG LINYA NG MGA INTERNET AT CABLE COMPANIES SA MGA POSTE NG KURYENTE, TATALAKAYIN SA MGA SUSUNOD NA SESYON NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

March 3, 2020

Dahilan sa magulo at di magandang tingnan na pagkakalinya ng mga internet at tv cables sa mga poste ng kuryente ay nagsasagawa ngayon ng draft resolution ang tatlong bokal na sina Atty. Godfrey Parale, Mike Canlas at Dr. Walter Randolph Jalgalado upang lahat ng mga may kinalaman sa usapin na ito ay magkaharap- harap, makapag-usap at magawan ng dapat na solusyon sa nasabing problemang ito.

Sa presentasyon na ipinakita ni Bokal Godfrey Parale ay nagpakita ito ng ilang mga litrato na nakita niya ng libutin niya ang Bayan ng Daet at tiniyak din nito na kahit sa ibang Bayan ay ganito rin ang nagiging problema.

Isa sa nakapagpa agaw pansin pa sa kanila ay nagiging dahilan din ito ng aksidente sa kalsada dahil sa mababang pagkakalagay ng mga linya nito sa bawat poste. Nananawagan din ang BFP ng Vinzons na sila ay matulungan sa ganitong problema dahil sagabal sa kanila ang mababang linya na ito sa agarang pagresponde nila sa mga sunog.

Dagdag pa ni Parale ay nais din dumalo ng DPWH Camarines Norte District na si Engineer Edwin Bernal sapagkat matagal na rin itong reklamo sa kanila ng nasa matataas na opisyal. Maging ang Camarines Norte Electric Cooperative ay inaanyayahan din sa nasabing gagawing pagpupulong.

Camarines Norte News,

Leave a Reply

Your email address will not be published.