19 KANDIDATA SA GAGANAPING CENTENNIAL BBNG. CAM NORTE 2020, PORMAL NANG IPINAKILALA SA PUBLIKO

March 3, 2020

Sa pangunguna ng Provincial Government at Provincial Tourism Office, ay pormal nang ipinakilala sa media at publiko nitong lunes, March 2 taong kasalukuyan, ang labingsiyam (19) na nag gagandahang mga dilag na magsisitagisan ng galing, talino at ganda para makamit ang titolong Centennial Binibining Camarines Norte 2020.

Ang Search for Centennial Binibining Camarines Norte 2020 ay bahagi ng selebrasyon ng Bantayog Festival at ngayong taon ay ika -100 na taong pagkakatatag ng Camarines Norte.

Matapos ang final screening ay isasailalim ang mga kandidata sa tatlong araw na puro aktibidad kagaya ng Personality Development Training, Workshop at Pictorial. Magsisimula ang nasabing training sa pagpasok ng unang araw ng buwan ng Abril mula 1 hanggang 3, 2020 na gaganapin naman sa Convention Center sa Bayan ng Labo.

Ito naman ang mga makakamit na gantimpala ng mga mananalo sa nasabing beauty pageant.

Ang tatanghaling Binibining Camarines Norte ay magkakamit ng Php100,000, habang ang Binibining Bantayog naman ay magkakamit ng Php75,000, at Binibining Turismo ay magkakamit ng Php50,000. Maging ang First Runner-Up ay magkakamit naman ng Php20,000, at huli ang Second Runner-Up ay tatanggap ng Php15,000.

Bukod pa diyan ay may mga nakahanda ring mga Special Awards para sa mga kandidata kagaya ng:

1.  Best in Production Number Php3,000
2. Best in Festival Costume Php3,000
3. Best in swimsuit Php3,000
4. Best in Evening Gown Php5,000
5. Miss Photogenic Php3,000
6. Miss Congeniality Php3,000
7. Darling of the Crowd Php.3,000
8. Best in Festival Costume Designer Php10,000

At para naman sa mga di papalarin ay tatanggap sila Consolation amount of Php1,000.

Samantala, narito na ang Opisyal na listahan o pangalan ng mga kandidata na kalahok sa nasabing Search for Centennial Binibining Camarines Norte 2020. Makikita ang tamang pagkakasunod sunod ng pangalan sa picture base sa numero ng kandidata.

1. Chicco Crisostomo
2. Hescia Mae Casiano
3. Zylah De Leon
4. Louella Cereno
5. Iris Oresca
6. Rona Mercado
7. Carla Abarca
8. Earleann Merredith Gili
9. Jessaniel Buena
10. Rhianne Macy Zapata
11. Eliza Omaรฑa
12. Trixia Jorgia Aganan
13. Sofia Isabel Cabral
14. Rona Margarette Gasta
15. Grace Rojo
16. Grace Abegail Flores
17. Donna Sayson
18. Dalia Clarissa Tabornal
19. Marjolisa Santiago

Camarines Norte News,

Leave a Reply

Your email address will not be published.