March 6, 2020
Labis-labis ang pasasalamat ng mga opisyal at residente ng mga taga Villa Bellen, Capalonga Camarines Norte, sapagkat sinisimulan nang ipaayos ang kalsada na matagal na ring problema sa kanilang lugar.
Sa mahigit animnapung milyong piso (Php60 million) na halaga ng proyekto upang maipaayos at maging konkreto ang kalsada ng nasabing lugar. Sampung milyong piso (Php10million) na halaga nito ay nagmula sa pondong inilagak ng Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Egay Tallado. At limampung milyong piso (Php50million) naman na halaga ay pondo na nagmula kay Congresswoman Josie Baning Tallado.
Ayon kay Punong Barangay Rodel Crisolo, napakalaking tulong ng pondong inilaan nitong dalawang lingkod bayan sa kanila, upang maipaayos ang kalsada sa kanilang lugar, sapagkat napakahirap ang mag pasok at maglabas ng kanilang mga produkto at iba pang mga gawain na nakakapagpapatagal o nakaka abala dahil sa hindi maayos na kalsada sa kanilang lugar.
Sa kaalaman ng lahat, para maka angkat at mailabas ang kanilang mga produkto, ang pangunahing mode of transportation nila dito ay ang kabayo. Kaya naman mas mapapaganda at mapapabilis kung magiging maayos na ang kanilang kalsada.
Samantala, matapos ang kanilang pagpupulong ay pinasalubungan pa sila ni Congresswoman Josie Baning Tallado ng mga libreng gamot at Blood Pressure Apparatus na napakalaking tulong pagdating sa aspetong pangkalusugan na kanila namang babaunin o dadalahin para sa kanilang lugar.
Camarines Norte News,