March 7, 2020
Sa isinagawang Solid waste management board meeting sa Sangguniang Panlalawigan noong Marso 5, dinaluhan ng ibat ibang kinatawan mula sa labing dalawang (12) bayan ng Camarines Norte.
Pinangunahan ito ni dating bokal at ngayong Administrative Assistant Joey Boma na tumayong Presiding Officer. Dumalo sa nasabing pagpupulong sina Municipal Information Officer Joan Dela Fuente ng Daet, Engr. Jasmin Rieza ng DENR, Mayor Dante “boboy” Morales ng Mercedes, at iba pang MENRO sa ibat ibang bayan.
Bahagi ng pananalita ni Engr. Jazmin Rieza, Supervising Ecosystem Management Specialist ng PEMO, binanggit nya ang ilang rason ng pagpapasara sa ilang open dumpsite. Unang nabanggit nya ang kaso ng dumpsite ng Bayan ng Daet. Ang Daet dumpsite ay nasa category no. 2, batay sa pamantayan dapat ang tapunan ay may bakod, may takip ng lupa at dapat my nakaabang din na paglalagakan ng mga katas ng basura. Sa ebalwasyon lumabas na kahalintulad na kaso ng Daet ang dumpsite ng bayan ng Mercedes kung kayat posible din na ito ay ipasara na.
Bahagi rin ng pagpupulong ang pagtalakay sa kahandaan ukol sa Palarong bikol, kung paano ang “proper waste disposal” partikular sa mga bayan na gagamitin bilang veleting center ng mga delegasyon mula sa ibat ibang probinsya . Naglahad ng mga plano ang ilang kinatawan na posibleng gagawin nila. Isa na rito ang paliwanag ng kinatawan ng vinzons na may mga itinalaga na silang mga MRF at ilang pasilidad upang maayos na maitapon ang basura. Ang Daet, Mercedes at iba pa ay bubuo sila ng incident management team na siyang tuwirang mag aasikaso sa mga usapin sa pagtapon ng basura, partikular na tinukoy ang ukol sa palarong bikol 2020.