PALARONG BICOL 2020, KINANSELA MULI NG DEPED BUNSOD NG COVID-19

Sa pangatlong pagkakataon ay isinuspende muli ng Department of Education ang Palarong Bicol 2020, na kung maaalala ito ay nakatakdang ganapin ngayong Buwan ng Marso ika 24 hanggang 29 dito sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ang pahayag na ito ay nagmula sa tanggapan ng Department of Education Regional Director Gilbert T. Sadsad, kasunod ng official statement ni DepEd Secretary Leonor M. Briones kaugnay ng COVID -19.

Ito ay matapos itaas ng Department of Health (DOH) ang alerto dahil sa dumadagdag na bilang ng mga pinoy na nagkakaroon ng COVID-19 dito sa pilipinas.

Dahil sa pangyayaring ito kaya ikinansela muna pansamantala ang nasabing palaro para na rin sa kalusugan ng mga bata. Kaugnay nito papauwiin muna ang mga atleta sa kani-kanilang mga lugar na pinanggalingan ngunit magpapatuloy pa rin naman ang kanilang pag eensayo kahit school based-training lang.

Mamayang hapon, Marso 10,2020, ay magsasagawa ng joint meeting sa Pangunguna ni Governor Egay Tallado kasama ang Provincial Health Board at Provincial School Board sa Sanguniang Panlalawigan Session Hall, alas dos ng hapon kaugnay sa mga usaping ito.

Camarines Norte News,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *