2 MAKABAGONG AMBULANSYA, IPINAGKALOOB NG DOH SA (CNPH)

Labis ang pasasalamat ng mga kawani ng Camarines Norte Provincial Hospital kina Governor Egay Tallado at sa Department of Health (DOH) sa ipinagkaloob nitong 2 makabagong Ambulance na magagamit para sa ating mga pasyente dito sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kahapon, March 10,2020, ay isinagawa ang pag turn-over ng nasabing dalawang ambulance na dinaluhan ni Governor Edgardo Tallado, Provincial Health Office (PHO) at nang Department of Health (DOH).

Ang nasabing bagong Ambulansya ay kompleto sa mga kagamitan na kinakailangan ng mga nurse sa tuwing may mga pasyente na nangangailangan o itatransport.

Payo naman ni Governor Edgardo Tallado sa gagamit ng Ambulansya na ito ay dapat maayos ang schedule o shifting schedule ng mga nurse at driver nito 24 hours. Dagdag niya pa rito na wag nang gayahin yung mga nakaraang administration na hihingian pa ng bayad yung mga pasyente na sakay ng ambulansya.

Pakiusap naman ni Dr. Joy Iraola, DOH Provincial Officer, na ingatan at gamitin lamang sa tama ang ambulansyang ito. Wag gamitin sa kung ano mang mga bagay lalong lalo na sa paglilibang, kundi sa pag lilipat at pagkukuha lamang ng mga pasyente.

Samantala, Sinigurado naman ng mag-asawang Tallado ang pagpapadagdag ng mga pampublikong hospital dito sa lalawigan ng Camarines Norte, kagaya sa lugar ng bayan ng Capalonga, Labo at Sta. Elena upang mapadali at hindi na kinakailangan pang pumunta ng Daet ang mga pasyente mula sa malalayong lugar.

Camarines Norte News,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *