Kaugnay sa isyu ukol sa suliranin sa basura para sa tamang pagtapon nito partikular sa mga lugar na walang Dump Site o Sanitary Landfill, ipinag utos ng DENR na itaboy sa kanilang tanggapan ang mga LGU o Commercial Establishment na kumuha ng ” discharge permit” para sa maayos na Waste Disposal.
Sa paliwanag ni Engr. Jasmin Rieza, Supervising Ecosystem Specialists ng DENR PEMO kaniyang sinabi, na may kabigatan ang pag kuha ng naturang permit sapagkat kinakailangan diumano na isa sa mga requirements ay dapat ang isang LGU o Commercial Establishment, malaki man o maliit ay may Pollution Control Officer o PCO, na kailangang sumailalim sa training na ibibigay ng ibang ahensya hindi ang DENR at tiniyak ni Engr. Rieza na ito ay gugulan ng medyo mahal. Pagkatapos na maka pag training ang PCO kailangang mag pa accredite sa DENR na magbabayad ng 530 pesos. Maging ang mag ooperate ng mag generator sets ay kailangang may kaukulang permit din.
Ang mga pahayag na ito ay sinabi ni engr. Rieza sa nakaraang Solid Waste Management meeting sa Sangguniang Panlalawigan.
by : Juvie M.