PALARONG BICOL SA LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE, PANSAMANTALANG IPAGPAPALIBAN DAHIL SA KASO NG COVID-19

Dahil sa health emergency situation ng ating bansa, pormal nang nagsagawa ng joint meeting ang Provincial Health and School Board sa Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Edgardo “Egay” Tallado, kahapon ng hapon, March 10,2020.

Bahagi ng naging talakayan ang pansamantalang pagpapaliban ng Palarong Bikol 2020 na isasagawa sa lalawigan ng Camarines Norte.  Nauna nang naipalabas na sa Marso 24-29, taong kasalukuyan ang palaro, subalit dahil sa tumataas na kaso ng COVID 19 ito ay ipagpapaliban muna. Posibleng gawin na ito sa unang linggo ng buwan ng Mayo.

Sa kabilang banda papabor naman ito sa ginagawang paghahanda sa venue ng mga pagdadausan ng mga palaro partikular ang swimming pool. Tinatayang nasa 50 -60 percent na ang kahandaan ng mga lugar na pagdadausan ukol sa nabanggit na aktibidad.

Tuloy tuloy pa rin ang pagsasanay ng mga atleta para sa preparayon sa Palarong Bikol 2020.

by: Juvie M.

Leave a Reply

Your email address will not be published.