APELA AT PANAWAGAN SA MGA MAMAMAYAN NG DAET UKOL SA COVID-19, IDINAAN SA PRIVILEGE SPEECH NI COUN. ELIZA H. LLOVIT

Isang karapatang pananalita o privilege speech ang ginawa ni coun. Eliza H. Llovit sa nakalipas na 11th Regular Session sa Sangguniang bayan ng Daet kaugnay sa kaso ng COVID-19.

Binanggit nya sa kaniyang privilege speech ang muling pagbabalik tanaw sa pinagmulan ng naturang virus simula pa noong buwan ng Enero 2020.

Kasabay nito ang kaniyang apela sa mga mamayan partikular sa nga taga Daet na magkaroon ng malasakit sa kapwa sa halip na magsamantala, partikular na kaniyang tinukoy ang Online Selling na bentahan ng mask, alcohol, sanitizer at iba pang kahalintulad nito.

Wag ding ilagay ang sarili sa posibleng pagkahawa maging maingat sa sarili, alamin ang mga dapat gawin at sundin ito. Iwasan din ang lumikha ng mga pekeng balita na pagmumulan ng maling impormasyon na magdudulot ng pangamba.

Nanawagan din si Konsehala Llovit na sama samang panalangin at labanan, at sana makahanap na ng lunas sa sakit na ito.

Sininisikap naman aniya sila sa Sangguniang bayan na maibigay ang mga tamang impormasyon at paalala at nakahanda rin namang tumulong ang Pamahalaang lokal.

By: Juvie M.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *