PANGALAWANG ARAW NG ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE SA BAYAN DAET; CURFEW AT CHECKPOINTS MAS LALONG PINAGHIGPIT

March 18, 2020

Sa pagpasok ng COVID19 dito sa ating bansa, kinailangang kumilos at gumawa ng paraan ang ating gobyerno upang mapigilan ang pagkalat nito. Dito sa bayan ng Daet, sa ilalim ng pamumuno ng ating Alkalde na si Mayor B2K Ochoa ay nag umpisa na at mas pinahigpit pa lalo ang pagbabantay sa mga checkpoint at pagsisita sa mga taong lumalabas pa rin sa oras ng curfew.

Ayon naman kay Municipal Administrator Joan Kristine Tabernilla-De Luna, Maraming apektado madaming pagbabago, maraming nagagalit at nahihirapan, Hindi lang kumunidad kundi tayong lahat ngunit kailangan ipatupad ang lahat ng ito para sa seguridad natin. Hindi perpekto ang gobyerno lalo na ang proseso pero kailangan pa rin nating harapin para sa mas nakararami.

Samantala, nagpapasalamat naman ang ating alkalde sa mga taong tumutulong at nagpapaabot ng tulong sa ating mga frontliners. Kung magpapatuloy ang ganitong gawain ay tiyak na malalampasan natin ang problemang hinaharap natin ngayon.

Camarines Norte News,

Leave a Reply

Your email address will not be published.