PAGKAKAROON NG COVID-19 SA BICOL REGION, HINDI IMPOSIBLENG MANGYARI AT DUMAMI KUNG MAGPAPATULOY SA HINDI SUSUNOD ANG MGA TAO SA ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE

March 21, 2020

Pinangangambahan ngayon ng Department of Health – Region V na tila isang bombang pwedeng sumabog anumang oras ang sitwasyon ng Bicol Region kaugnay sa banta COVID-19 matapos nitong iulat sa kanila ng iba’t ibang local government units nitong Biyernes, Marso 20, 2020 ang mga kaso ng Persons Under Monitoring (PUM) na umabot sa mahigit 97,000.

Ayon kay DOH – Bicol Regional Director Ernie Vera, batay umano sa imga mpormasyon na ibinigay sa kanila ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Marso 19, 2020, mayroon nang humigit-kumulang 90,000 PUMs, na karamihan sa mga kaso ay nagmula sa mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, at Albay.

Nagbabala rin si Vera na kung hindi susunod ang mga residente sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine ay maaaring malagay sa peligro ang buhay ng maraming katao o sa kasamaang-palad ay pagkamatay ng marami.

Batay sa huling datos ng DOH – Bicol, umaabot sa 14,623 ang bilang ng mga mino-monitor na PUMs sa lalawigan ng Camarines Norte kaya pinaaalalahanan pa rin ang lahat na sumunod sa mga panuntunan ng pamahalaan upang makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *