ISANG ISLA SA JOSE PANGANIBAN, PLANONG GAWING QUARANTINE AREA PARA SA MGA KABABAYAN NILANG PUM’S NA NASA TABUGON, STA. ELENA

Matapos ang masusing pag aaral ng Incident Management Team ng Jose Panganiban, ay pinaplano na nilang buksan at gawing Quarantine Camp ang isang Isla para sa mga kababayan nilang mga PUM’s na kasalukuyang naka 14 days quarantine sa Tabugon, Sta. Elena.

Ang islang nasabing pinag aralan ay ang Calalanay Island. Dito nila planong dalahin at ipagpatuloy ang 14 days quarantine ng kanilang mga kababayan.

Ang nasabing mga PUM’s na ito ay ang mga taong naipit ng lockdown sa Manila. At sila ay mga nagsipaglakad mula roon hanggang makarating sa barangay Tabugon ng nasabing Bayan.

Samantala, ayon sa listahan ng DSWD ay mayroong 36 na PUM’s na mga taga Jose Panganiban ang naroroon at naka quarantine.

Phillip R.

Camarines Norte News,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *