DALAWANG PAARALAN SA STA. ELENA KUNG SAAN MGA NAKA QUARANTINE ANG MGA PUM NG LALAWIGAN, PINUNTAHAN AT PINAABUTAN NG SERBISYONG TALLADO NG MGA RELIEF SUPPLY

Nitong nakatalikod na araw, March 29, 2020, ay pinuntahan ng Team Serbisyong Tallado ang mga PUM (Persons Under Monitoring) na naka quarantine sa 2 paaralan ng Sta. Elena. Ang Tabugon Elementary School at CNSC Etienza Campus.

Sa Tabugon Elementary School ay may tinatayang nasa 72 PUM’s ang naka quarantine doon, sila ang mga kababayan natin na naglakad mula sa malalayong lugar at ngayon ay naka quarantine sa loob ng 14 days. Pinaabutan sila ng Serbisyong Tallado ng tig-6 na kilo ng bigas, mga de lata at kape na nagmula galing sa DSWD. Hiwalay pa dito ang tulong na ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa CNSC Etienza Campus naman ay may tinatayang nasa 192 PUM’s ang kasalukuyang naka quarantine doon. Agad ring pumunta ang Serbisyong Tallado kasama ang DSWD at PSWDO upang mamahagi ng mga reliefs sa mga PUM’s.

Labis naman ang pasasalamat ng Serbisyong Tallado sa LGU ng Sta. Elena sa pamumuno ni Mayor Dina Borja sa pagtanggap sa ating mga kababayang PUM’s. Lalong lalo na sa pag-aalaga sa kanila at pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan sa pang araw-araw.

Nagpasalamat din ang ating mga kababayang PUM’s sa mga relief na kanilang natatanggap mula sa kanila at ganun din sa walang sawang pagtulong at pag alaga sa kanila sa Quarantine Area.

Mensahe naman na ipinaabot ng Serbisyong Tallado, “Hindi po kami magbabago at handang tumulong sa ating mga PUM’s, hangad rin namin na makatulong ang relief supply para po sa inyo”.

Philip R.

Camarines Norte News,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *