Sa panayam ng Cool Radio sa programang Kwentuhan sa Pananghalian ni Mr. Jometh Umali. Kanyang na interview sa programa ang Area Manager ng Motortrade na si Roderick C. Santos.
Ayon kay Mr. Roderick, ang Motortrade na pag mamay-ari ng OngTengCo Group of Companies ay magbibigay donasyon ng nasa 2 milyon pesos na ipamimigay sa ating mga tricycle driver dito sa Camarines Norte. Ito ay kanilang ibinili ng mga bigas na nasa 5,500 packs.
Ang mga tricycle driver natin ang isa sa mga labis na naapektuhan sa isinagawang Enhanced Community Quarantine laban sa COVID 19, dahil dito ay tigil ang kanilang pamamasada, kaya sobrang napakahirap nito para sa kanila dahil sa kita lamang nila sa pamamasada ang kanilang pinagkukunan ng pangtustos sa pang araw-araw nilang pamumuhay.
Kaya naman sa tulong ng Motortrade Cam Norte, ay tatanggap ang bawat tricycle driver sa buong Camarines Norte ng tig-10kilo ng bigas. Sa bayan ng Daet ay may 2500 na tig10 kilo ng bigas na ipamimigay, at ang iba ay hahati-hatiin para sa ibang bayan naman.
Uumpisahan ang pamimigay ng bigas para sa mga tricycle driver bukas 8:00 ng umaga sa Pineapple Kiosk katabi ng Heritage Building.
Camarines Norte News,

