LOKAL NA PAMAHALAAN NG DAET, PLANONG HINGIN ANG TULONG NI VP ROBREDO PARA SA KARAGDAGANG MGA PPE, TESTING KITS, AT GAMOT PARA SA MGA DAETEÑO!

LOKAL NA PAMAHALAAN NG DAET, PLANONG HINGIN ANG TULONG NI VP ROBREDO PARA SA KARAGDAGANG MGA PPE, TESTING KITS, AT GAMOT PARA SA MGA DAETEÑO!

Abril 13, 2020, Daet, Camarines Norte. Nakatakdang humingi ng karagdagang asistensya ang Lokal na Pamahalaan ng Daet kay Vice President Leni Robredo upang madagdagan pa ang mga supply ng PPE (Personal Protective Equipments), Testing kits, Disinfectants, Facial Masks, at mga gamot sa bayan ng Daet.

Sa resolusyon na inihain ni Konsehal Marlon T. Bandelaria, planong ipamahagi sa mga Rural Health Units ng bayan ng Daet ang mga karagdagang gamit na ibibigay ng Pangalawang Pangulo para sa paglaban sa COVID-19.

Matatandaan na nauna nang makapagbigay ng tulong ang Pangalawang Pangulo sa ilang mga lugar at ospital sa bansa sa pamamagitan lamang ng private partnerships at donasyon mula sa iba’t ibang indibidwal. Inaasahan na magiging malaking tulong sa bayan ng Daet ang tulong na matatanggap nito mula kay Robredo.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 50 milyong piso ang nalikom na pondo ng Office of the Vice President para sa pagtulong sa mga taong naapektuhan ng COVID-19.

(Photo Courtesy of Manila Bulletin)

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *