TESTING KITS SA CAMARINES NORTE, HANDA NANG GAMITIN SA MGA MAGPAPAKITA NG SINTOMAS NG COVID-19

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2020/04/608-5-1.jpg

Labo, Camarines Norte, April 13, 2020 – Nakahanda na ang mga testing kits na mayroon sa lalawigan ng Camarines Norte upang magamit sa mga ituturing na mga “suspect” at “probable” o sa mga magpapakita ng sintomas ng COVID-19.

Ang mga naturang testing kits ay aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA) at nasa COVID-19 Center sa Labo District Hospital (LDH) na sinubukan na rin ng mga Medical Technologists. Kaya umanong makapagbigay ng resulta ng mga naturang testing kits sa loob lamang ng sampu hanggang labing-limang minuto.

Samantala, sa pinakahuling inilabas na ulat ng Department of Health – Region V ay nananatiling walang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte. (Edwin Datan, Jr, Camarines Norte News)

(photo credits: Raymond Villafuerte Luzarraga)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *