DALAWANG MAHALAGANG ORDINANSA NA MAY KINALAMAN SA COVID-19 RESPONSE, PASADO NA SA SANGGUNIANG BAYAN NG DAET

Abril 17, 2020, Daet, Camarines Norte. Pasado na sa Sangguniang bayan ng Daet ang dalawang mahalaga at napapanahong ordinansa para sa COVID-19 response ng nasabing bayan. Sa ginanap na sesyon kahapon ay inaprubahan na ng konseho ang “Anti COVID-19 Discrimination Ordinance of 2020” at “COVID-19 Face Mask Ordinance”.

Ang nasabing mga ordinansa ay ipinanukala ni Konsehal Maria Eliza Llovit kasama sina Konsehal Tom Turingan at Marlon Bandelaria bilang mga co-authors.

Layunin ng Anti COVID-19 Discrimination Ordinance na mapigilan ang mga diskriminasyong  posibleng danasin ng mga PUIs, PUM, COVID patients at maging mga frontliners sa bayan. Basahin ito para sa iba pang detalye ng ordinansa: 

Samantala, dahil naman sa pagkakapasa ng COVID-19 Face Mask Ordinance ay magiging mandatory na ang pagsusuot ng Face Masks sa lahat ng mga pampublikong lugar sa buong bayan.

Sa kasasalukuyan ay tuloy tuloy pa rin ang ayudang ipinapamahagi ng lokal na pamahalaan ng Daet kasabay ng pagpapanatili ng LGU sa COVID-19 free status ng bayan.

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *