ALKALDE NG BAYAN NG DAET NA SI MAYOR BENITO S. OCHOA, LABIS ANG PASASALAMAT SA ILANG MGA PRIBADONG SAMAHAN AT NEGOSYANTE NA NAGPAABOT NG DONASYON PARA SA MGA MAMAMAYAN NG DAET NA MAHIHIRAP.

ALKALDE NG BAYAN NG DAET NA SI MAYOR BENITO S. OCHOA, LABIS ANG PASASALAMAT SA ILANG MGA PRIBADONG SAMAHAN AT NEGOSYANTE NA NAGPAABOT NG DONASYON PARA SA MGA MAMAMAYAN NG DAET NA MAHIHIRAP.

Taos puso ang pasasalamat ni Mayor Benito S. Ochoa sa ilang mga Pribadong Samahan at mga Negosyante na nagpaabot ng kanilang donasyon para sa mga kababayan nating mahihirap sa bayan ng Daet.

Ilan sa mga nagpaabot ng donasyon ay ang mga sumusunod:

101 Dept. Store (70 sacks of Rice)

*Rural Bank of Paracale (60 sacks of Rice)

*Bombase Supermart ( assorted goods)

*Chinese Businessmen Group in Daet (175 sacks of Rice, 20 Boxes of Sardines, 20 boxes of Noodles)

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2020/04/608-b.gif

Ayon sa Alkade, nais niyang ipaabot ang mga ito sa mga taong mahihirap o “poorest of the poor” na tinatayang nasa mahigit 14,000 persons ang meron dito sa Bayan ng Daet batay sa talaan ng mga barangay. Ngunit batid ni Mayor B2K na hindi pa sasapat ang mga donasyon na kanilang naipon kung kayat ito’y dinagdagan pa niya sa pamamagitan ng personal na donasyon na nagkakahalagang P936,000.00 o halos Isang milyong piso.

Sangayon ay patuloy ang kanilang pagrerepack ng mga bigas, noodles at ibang mga pagkain na ipamamahagi. Makikita sa larawan na pati ang Alkalde ay tumutulong na rin upang mapabilis pa lalo at nang maipamahagi na. Anumang araw ngayong linggo ay uumpisahan na ni Mayor B2k Ochoa ang pamamahagi nito at mismong siya ay kasama sa pagpunta sa mga barangay.

Paglilinaw naman ng Alkalde na itong gagawing pamamahagi ay mula sa mga donasyon at sariling bulsa at hindi ito kasama sa 3rd o 4th wave na ayuda na pinamimigay ng Lokal na Pamahalaan. May nakatakdang araw ang pamimigay ng ayuda at ang 3rd wave ay nakatakda sa araw ng linggo at lunes              April 26 & 27, 2020. Sinasabing ang matatanggap ng bawat households ay isang buong Manok (dressed).

Camarines Norte News,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *