Kahapon, April 22, 2020 ay inumpisahan na ni Mayor Benito Ochoa ang pagdala ng mga foodpacks sa ilang mga barangay na ipamamahagi naman sa mga kababayan nating mahihirap o yung tinatawag na “poorest of the poor”.
Makikita sa larawan na mismong si Mayor Benito Ochoa ang nangunguna sa pagdadala nito sa mga barangay. Kahit hating gabi ay patuloy pa rin ang pagdala nila katulong ang ilang mga volunteers.
Nasa 8 barangay ang naiturn over na ayuda kahapon, na kinabibilangan ng Barangay I na napaabutan ng nasa (208 packs), Barangay III (256 packs), Barangay VIII (240 packs), Awitan (144 packs), Bibirao ( 208packs), Magang (432 packs), Mambalite (320packs) at Mancruz (352 packs).
Inaasahan naman ngayong araw na mabibigyan na rin ang natitira pang 17 na barangay upang agad na rin nilang maipamahagi sa mga nangangailangan.
Labis-labis naman ang pasasalamat ni Mayor Ochoa sa mga Volunteers na walang sawang tumutulong at iniinda lamang ang kanilang pagod para makapag bigay serbisyo sa ating bayan.
Camarines Norte News,

