ILANG PROBINSYA SA KABIKULAN UMAPELA SA IATF PATUNGKOL SA IMPLEMENTASYON NG QUARANTINE; ALBAY BALIK ECQ NA!

Mayo 1, 2020, Daet, Camarines Norte. Umapela ang ilang mga opisyal partikular na ang ilang alkalde sa kabikulan sa IATF na muling ikonsidera ang pagbabalik sa probinsya ng Camarines Sur at Albay sa Enhanced Community Quarantine Status. Ito ay matapos ianunsyo ng Inter Agency Task Force na hindi na kasama sa mga mapapabilang sa ECQ ang lahat ng probinsya sa kabikulan.

Bunsod ng anunsyong ito ay agad na umapela sina Naga city Mayor Nelson Legacion, Legazpi city Mayor Noel Rosal at ang Albay Mayors’ League upang ipanawagan sa IATF ang extension ng Enhanced Community Quarantine sa mga nabanggit na probinsya.

Ayon sa mga alkalde, hindi pa umano handa ang probinsya ng Camarines Sur at Albay na sumailalim sa GCQ bunsod ng patuloy pa ring tumataas na kaso ng COVID-19 sa lugar. Ang dalawang probinsya rin partikular na ang Albay ang maituturing na hotspot ng virus sa buong rehiyon. Tatlumput apat (34 ) sa mga kaso ng COVID-19 sa kabikulan ay nasa Albay samantalang walo (8) naman ang nasa Camarines Sur.

Samantala sa pinakahuling update ay inaprubahan na umano ng IATF ang apela ng mga alkalde sa Albay na muling isailalim sa ECQ ang buong probinsya hanggang May 15, 2020. Wala pang update patungkol sa status ng apela para sa probinsya ng Camarines Sur.

Sa kasalukuyan naman ay nakapailalim na sa General Community Quarantine Status ang mga nalalabing probinsya sa kabikulan.

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *