PINAKAUNANG KASO NG COVID-19 SA CAMARINES NORTE NAITALA!

PINAKAUNANG KASO NG COVID-19 SA CAMARINES NORTE NAITALA!

Mayo 11, 2020, Daet, Camarines Norte. Ngayong araw ay naitala sa lalawigan ng Camarines Norte ang pinakaunang kumpirmadong kaso nito ng COVID-19, yan ay ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas ng Department of Health Region 5 ngayon lamang na hapon.

Ayon sa nasabing ahensya, ang naturang pasyente ay isang 45 taong gulang na lalake na residente ng bayan ng Labo, Camarines Norte. Una itong nakaranas ng sintomas noong Abril 27, 2020 at dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital nitong nakaraan lamang na Mayo 4, 2020.

Ang nabanggit na indibidwal ay nakaadmit na ngayon sa isang medical facility ayon sa press release ng DOH. Ang nasabing pasyente (Bicol#61) na ang ika-61 na kaso ng COVID-19 sa Bicol region. Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga otoridad kung paano nakuha ni Bicol#61 ang naturang karamdaman.

Samantala, hinihintay pa ang anunsyo ng Provincial Government of Camarines Norte hingil sa mga hakbang na ipatutupad nito at kung ibabalik bang muli sa Enhanced Community Quarantine status ang probinsya.

Blaise Henry E. Ilan 

Camarines Norte News 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *