Nitong nakatalikod na araw, MAYO 28, 2020, ang Sangguniang Bayan ng Daet ay nagpasa sa UNANG PAGBASA (First Reading) ang ORDINANCE APPROVING THE MINIMUM TRICYCLE FARE IN DAET, CAMARINES NORTE IN THE AMOUNT OF P 20.00 FOR THE FIRST 2 KILOMETERS AND ADDITIONAL P 2.00 FOR EVERY SUCCEEDING KILOMETER UNTIL SUCH TIME THE AUTHORITIES ALLOWED ITS MAXIMUM PASSENGER CAPACITY. Naganap ito nitong ika 7th Special Session nang nasabing araw.
Layunin ng Ordinansang ito na tugunan ang panawagan ng ating mga tricycle driver, dahil ayon sa kanila hindi sapat ang sampung piso na pamasahe lalo na at isang pasahero na lamang ang sakay ng kada tricycle.
Hinihikayat naman ng mga opisyal ng Sangguniang bayan ng Daet ang publiko na magpaabot ng kanilang mga komento at mungkahi hinggil dito sa pamamagitan ng pagdalo sa gaganaping PUBLIC HEARING na itatalaga sa susunod na linggo, o kaya naman maaaring magpaabot ng komento sa Facebook Page ng Daet Municipal Information Office upang marinig at mabasa ng Sangguniang Bayan ng Daet ang inyong mga pananaw at sa loobin.
Camarines Norte News,

