MDRRMO DAET, NILINAW ANG ISANG FB POST NI JO FRANCIS BARASOLO SA DIUMANO’Y GINAWANG “DISINFECTION NOONG JUNE 2, 2020, 10:30 PM SA ISANG BAHAY SA TAPAT NG PUBLIC CEMETERY 1”.

Nitong nakatalikod na araw nagulat ang ilang mamamayan ng Daet sa isang FB Post ni Jo Francis Barasolo na diumano’y may ginawang pag didisinfection ang mga taga MDRRMO at taga PHO sa isang bahay sa may F Pimentel Avenue Corner Joselito Street, Brgy.2 sa harap ng Daet Cementery 1.

Dahil dito, agad nilinaw ng MDDRMO na hindi totoo na kasama sila sa nasabing post.

Narito ang kabuoang Paglilinaw:

Ipinaaalam po namin sa publiko na hindi po totoo na kasama ang MDRRMO (Kung ang MDRRMO Daet po ang tinutukoy ng post nya) sa ginawang “disinfection noong June 2, 2020, 10:30 PM sa isang bahay sa tapat ng Public Cemetery 1” ayon sa post ni Jo Francis Barasolo.

Noong June 2, 2020, bandang alas otso ng gabi, ang EMS Group po ng IMT na binubuo ng MDRRMO-ERU ay pumunta sa Tabugon upang sunduin ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) at OFWs na nakahold sa Tabugon Checkpoint. Sila po ay nakabalik ng Daet bandang ala-una ng madaling araw, June 3, 2020 at nagpadisinfect sa Decontamination Area sa Brgy. Lag-on. Pagkatapos ay inihatid nila sa kanya-kanyang Barangay Isolation Unit ang mga LSI at OFWs. Nakabalik ang team sa Munisipyo ng Daet bandang alas tres ng araw ding iyon.

Muli po, pinapayuhan din po ang lahat na tiyaking reliable ang source bago i-share ang kung anu-anung balita.

Maraming salamat po at mag-ingat tayong lahat

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2020/06/608-3.gif

Camarines Norte News,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *