Kilalanin natin ang isang lola na nakatira sa bayan ng Daet sa barangay bagasbas na umabot na sa edad na 102 years old. Si Lola Teodora Aguenza Delos Santos ay nagdiwang ng kanyang kaarawan nitong Mayo 22, 2020.
Ayon sa kanyang mga anak, ang sekreto daw ni lola kaya humaba ng ganitong katagal ang kanyang buhay ay dahil na rin sa patuloy na pananalig at paghingi ng pag-asa sa Maykapal, at mabuhay ng simple lamang. Kilala si lola sa kanilang lugar sa pagiging masipag nito at mahilig sa kung anu-anong klaseng hanapbuhay katulad ng pangangalakal at pagtitinda.
Malaking tulong din daw para kay lola ang pagkakaroon ng magandang kalusugan at ang pagiging malapit ng kanilang tahanan sa tabing dagat (bagasbas beach) ang pag dama ng sariwang hangin galing sa dagat, mainit na sikat ng araw at paglalakad lakad sa dalampasigan.
Si lola ay may 12 na anak, at ngayon ay tanging lima (5) na lamang ang nabubuhay na may mga edad na 75, 65, 56, 54 at 52.
Kaya naman kahapon, June 10, 2020. Sa pangunguna ni Governor Egay tallado kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at PSWDO ay isinagawa ang pag aabot ng tseke kay lola na nagkakahalagang 100,000 pesos (100,000.00). ito ay tugon na rin ng Provincial Government ng Camarines Norte at pagtalima sa batas, ang Republic Act 10868 (AN ACT HONORING AND GRANTING ADDITIONAL BENEFITS AND PRIVILEGES TO FILIPINO CENTENARIANS, AND FOR OTHER PURPOSES” ALSO KNOWN AS THE “CENTENARIANS ACT OF 2016) na naging ganap na batas noong June 27, 2016.
Camarines Norte News,

