Simula kahapon, araw ng Huwebes, June 11, 2020. Ay inumpisahan na ang unang araw ng pamamahagi ng Financial Assistance na nagmula sa “Congressional Fund” ng Kongresista ng Unang Distrito na si Cong. Josie Baning Tallado. Kasama sa pamamahagi ang Gobernador ng Lalawigan na si Gov. Egay Tallado.
Layunin ng Congresswoman na hatiin ang nasabing pondo sa limang (5) bayan ng Unang Distrito at ipamahagi ito sa mga taong hindi nakasama sa listahan at hindi nakatanggap ng anumang tulong katulad ng Emergency Subsidy Assistance, Unconditional Cash Transfer Program (UCT), Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s), Social Amelioration Program (SAP), #Barangay Ko, Bahay Ko (TUPAD #BKBK), DOLE TUPAD at iba pang ayuda na nagmula sa National Government.
Una nang isinagawa ang pamimigay ng nasabing Financial Assistance sa bayan ng Labo. Tinatayang nasa 208 na katao ang dumaan sa tamang proseso sa pamamagitan ng on-the-spot interview nang mga tauhan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) bitbit ng mga taong benipisyaryo ang katibayan na hindi sila nakatanggap ng anumang tulong mula sa National Government katulad ng Certification mula sa MSWDO-Labo at Certificate/Indigency na nagmula naman sa kanilang mga barangays. Kinailangan rin ang mga valid ID’s ng taong kukuha upang patunay na sila mismo ang makakatanggap nito. Matapos ang interview ay agad na binigay sa kanila ang 5,000 piso.
Makikita sa larawan na magkasama sina Cong. Josie Baning Tallado at Gov. Egay Tallado sa naganap na Financial Distribution. Isang patunay na lagi silang naririyan at handa silang tumulong sa ating mga mamamayan.
“Napakaswerte ng 1st District dahil mayroon kayong masipag at napakagaling na Kongresista, ang laging laman ng kanyang isip ay kung paano makatulong sa inyo. Tuloy-tuloy ang serbisyo bilang patunay na ang Serbisyong Tallado ay hindi nagsasawang tumulong lalo na sa mga mahihirap nating mga kababayan”, mensahe ni Governor Egay Tallado.
Narito ang listahan o schedule ng natitira pang apat na bayan.
- Sabado (June 13) – Paracale,
- Lunes (June 15) – Capalonga,
- Martes (June 16) – Sta. Elena at;
- Miyerkules (June 17) – Jose Panganiban.
Ang mga listahan ng benipisyaryo ay nanggaling sa mga barangay officials ng bawat bayan dahil sila ang makakapagtunay na ang mga bibigyan ng financial assistance na mula sa pondo ni Congresswoman Josie Baning Tallado ay pawang mga hindi nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno nasyunal.
Camarines Norte News,

