Isang kaawa awang babaeng sanggol ang natagpuang patay sa gilid ng isang Sapa nitong nakatalikod na araw ng biyernes, June 12, 2020, sa bayan ng Anameam Labo, Camarines Norte.
Kinilala ang nakakita sa sanggol na si Jose Jubella, isang truck driver, 43 anyos, residente ng nasabing lugar. Ayon kay Jose nakita niya ang sanggol habang siya ay naglilinis sa paligid ng kanilang bahay.
Haba naman nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga kapulisan ay isang magsasaka na naninirahan din malapit sa nasabing lugar na nagsabi na bandang alas 4 hanggang alas 5 ng madaling araw ay nakarinig siya ng iyak ng isang sanggol, ngunit dahil sa lakas ng ulan nung mga oras na iyon ay binalewala na lang niya ito. Kaya ng malaman niya na may natagpuang patay na sanggol sa kanilang lugar ay naisip niya na iyon na ata ang sanggol na narinig niyang umiiyak nung mga oras na iyon.
Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad katulong ang MSWDO upang malaman kung sino ang nagtapon ng isang kaawa awang sanggol sa lugar na iyon.
Natagpuan ang sanggol na nakabalot sa damit at basang basa dahil sa pagkaka babad nito sa tubig.
Camarines Norte News,

