LIBRENG PAGGAMIT NG INTERNET CONNECTION AT IBA PANG DEVICES PARA SA ONLINE ENROLLMENT, KALOOB NA PROGRAMA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE AT NG DICT PARA SA MGA MAG-AARAL

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2020/06/608-2.jpg

Daet, Camarines Norte, Hunyo 16, 2020 – Nagkaloob ng tulong sa pamamagitan ng serbisyo ang pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte kaugnay sa nagpapatuloy na isinasagawang online enrollment ng Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong paaralan.

Batay sa tanggapan ni Gov. Edgardo Tallado sa pamamagitan ng Community Affairs Office, ang Tech4Ed Center ng pamahalaang panlalawigan na matatagpuan sa compound ng provincial capitol ay magiging bukas para sa mga mag-aaral o magulang na walang gadget o internet connection para maisagawa ang proseso ng enrollment.

Libre umano ang paggamit ng wifi, gayundin ang pag-print o scan ng Learner and Enrollment Survey Form na kinakailangan upang makapag-enroll. Bukod dito, libre ring magagamit ang kanilang laptops para sa mga estudyanteng wala pang kagamitan sa pag-eenroll.

Naging posible ang programang ito sa pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte at ng Department of Information and Communications Technology (DICT). (Edwin Datan, Jr., Camarines Norte News)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *