ISANG MANGINGISDA SA BAYAN NG MERCEDES, NAHAHARAP SA PATONG-PATONG NA KASO NG RAPE!

ISANG MANGINGISDA SA BAYAN NG MERCEDES, NAHAHARAP SA PATONG-PATONG NA KASO NG RAPE!

Patong patong na kaso ang hinaharap ngayon ng isang mangingisda matapos mahuli ng mga kapulisan nitong nakatalikod na araw ng Miyerkules, madaling araw, sa Purok 1, Brgy. Hamoraon sa bayan ng Mercedes.

Kinilala ang suspek na si Redentor Pano Camacho, 41 years old, at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay PCapt Arkhemedes Garcia, hepe ng Mercedes MPS, Nahaharap ang suspek sa kasong 2 counts of Rape in relation to child abuse at maliban pa dito, nahaharap din ang suspek sa kasong 3 counts of Rape through Sexual Assault in relation din sa child abuse.

Si pano ang ikalima sa Most Wanted Person sa Bayan ng Mercedes.

Sa panahon natin ngayon ay nakaaalarma rin ang ganitong klaseng kaso, kung maaalala nitong nakatalikod na buwan ay may naiulat na magkapatid na ginahasa ng isang 26 anyos na laborer, ang biktima ay 14 years old at nakababata pa nitong kapatid. Ito ay nangyare sa nasabi pa ring bayan.

Camarines Norte News,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *