Nang dahil sa pera at problemang pampamilya nauwi sa pananakit hanggang humantong sa pananaksak at pagpatay sa isang Padre De Pamilya sa mismong kanilang tahanan sa Purok 3, Barangay Bulala, Santa Elena, Camarines Norte.
Kinilala ang biktima na si Emmanuel Andes Aquino, 45 anyos habang ang suspek naman ay ang mismong asawa nito na si Franz Gretchen Andes Martirez, 29 anyos.
Base sa tala ng Sta. Elena MPS, bandang alas 7 ng gabi ng mangyari ang krimen. Umuwi ng lasing ang biktima at nakipagtalo sa kanyang asawa hanggang sa nauwi ito sa pisikalan na pananakit at masaksak na ni Misis ang kanyang Mister. Nagtamo ng isang saksak sa kaliwang bahagi ng tiyan ang biktima ng hindi pa nalalaman na uri ng patalim.
Agarang isinugod sa pinaka malapit na pagamutan si Emmanuel ngunit siya ay binawian na ng buhay habang nilalapatan ng paunang lunas ng doktor.
Ang Misis na suspek sa pagpatay ay hawak na ng mga kapulisan at nakahanda na rin ang kasong kanyang kahaharapin.
Camarines Norte News,

