PROPOSED TEMPORARY TRICYCLE FARE INCREASE, APRUBADO NA SA ISINAGAWANG SPECIAL SESSION NG SANGGUNIANG BAYAN NG DAET KAHAPON.

Inaprubahan na kahapon ng hapon, June 10, 2020, sa isinagawang Special Session ng Sangguniang Bayan ng Daet ang Ordinansang pansamantalang pagtataas ng presyo ng pamasahe sa tricycle.

Nakasaad sa nasabing ordinansa na 15 pesos ang bayad na pamasahe sa unang kilometro at dagdag na 5 piso sa bawat karagdagang kilometro na tatakbuhin ng tricycle. Bukod dito ay may ilan pang mga regulasyon ang dapat sundin ng mga driver maging sa mga pasahero nito. Kagaya ng kinakailangan laging nakasuot ng facemask at may social distancing sa pasahero sa at driver, dapat rin na bago magpasada ang driver ay idisinfect na muna nito ang mga parte ng tricycle lalo na sa inuupuan ng kanyang mga pasahero. Dapat rin na merong alcohol o sanitizer ang bawat tricycle. Nananatili pa rin na tanging isang pasahero lamang ang sakay ng bawat tricycle. At iba pa.

Ayon naman sa ilang mga namamasada o driver ng tricycle ay malaking tulong na rin ito para sa kanila, lalo na at isang pasahero lang ang pwede nilang isakay at sa loob pa ng isang linggo ay ilang araw lamang din sila pwedeng mamasada.

Samantala, Nagbabala naman ang nakatataas na mahigpit nilang ipinagbabawal ang paniningil ng higit sa itinakdang pamasahe. Kung sakaling maka enkwentro kayo ng ganitong mga driver na labis maningil ng pamasahe ay ireklamo o kumontak sa tanggapan ng TRU. 0951-955-6451.

Camarines Norte News,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *