Natupad na ang kahilingan ng mga mamamayan ng isang barangay na sila ay magkaroon ng Isang Unit ng Multi-Cab Rescue Vehicle na kanilang magagamit sa panahon ng sakuna sa barangay San Antonio bayan ng Labo.
Pinangunahan ni Governor Egay Tallado kasama sina Provincial Administrator Alvin Tallado, Barangay Affairs Office Cristina Zantua at Caravan Director Edgardo “Boy” Reyes ang isinagawang pag turn over sa harap ng Provincial Capitol Grounds. Ang nasabing Rescue Vehicle ay nagkakahalagang Php290,000.00 (included value added tax), decals at full tank.
Labis ang pasasalamat ni Punong Barangay Thelma Villafranca at ng mga residente ng nasabing lugar sapagkat napakalaking tulong nitong Multi-Cab Rescue Vehicle para sa kanila di lamang ito magagamit sa panahon ng sakuna, magagamit din nila ito sa oras ng kagipitan na tinatayang mas makakapaghatid ng mabilis na serbisyo.
Samantala, ayon pa rin kay Governor Egay Tallado, ngayong darating na buwan ng Agosto, inaasahang ang barangay naman ng Malaya, Labo ang tatanggap ng isang unit rin ng Multi-Cab Rescue Vehicle bilang katuparan ng pangako ng Tatak Tallado.
Camarines Norte News,

