Inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte ang isang resolusyon na akda ni Board Member Renato “Atoy” Moreno na naglalayong mabigyan ng educational assistance ang mga kabataang may kapansanan na maka-enroll sa special o regular education classes para sa school year 2020-2021.
Ang nasabing resolusyon ay nagtatalaga ng kabuuang halagang P400,000 para sa dalawang-daan (200) para sa mga naturang mag-aaral.
Sa pamamagitan ng Camarines Norte – Person’s with Disability Affairs Office (CN-PDAO), maglalabas ng karagdagang impormasyon at kung kailan maaaring i-avail ang bagong programa sa susunod na linggo.
Camarines Norte News,

