DONASYONG MEDICAL SUPPLY TINANGGGAP NANG PAMAHALAANG LOKAL NG BAYAN NG DAET.

DONASYONG MEDICAL SUPPLY TINANGGGAP NANG PAMAHALAANG LOKAL NG BAYAN NG DAET.

Sa pamamagitan ng resolusyong ginawa ni SK Municipal Federation President  Konsehal Judy Rose Gallardo para sa tanggapan ni Vice President Leni Robredo na layuning makahingi ng donasyong medikal  gaya ng nga Personal Protective Equipment  o PPE, pormal nang tinanggap ng Pamahalaang lokal ng  Bayan ng Daet ang mga nabanggit na medical supplies.

Personal itong tinanggap ng MDRRMO ng Daet sa katauhan ni G. Santiago ” Sante ” Mella Jr. , kasabay ng regular na session ng sangguniang bayan noong Hulyo 20, 2020.

Ang mga mga nabanggit na PPE ay makakatulong ng malaki sa lahat ng mga medical staff maging sa iba pang mga volunteers.

Inaasahang sa pamamagitan nito maseserbisyuhan ng maayos ang mga mamamayan at di naman malalagay sa pilegro ang buhay ng mga medical frontliners.

Kasabay nito nanawagan si konsehal Gallardo sa mga taga Daet na sundin at igalang ang anumang protocol o guidelines na ipinatutupad para sa ikagagaan at kapakanan na rin ng bawat Daetenos.

Camarines Norte News,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *