Sa kauna unahang pagkakataon ay nagkaroon ng isang makasaysayang programa na LAUNCHING OF 1 PROVINCE 1 BARANGAY na may temang “Establishment of the Production Site and Trading Center of the Agricultural Products” na isinagawa sa Guisican, Labo.
Ang nasabing programa ay isinagawa batay sa nilalaman ng Executive 0rder 70 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang layunin ay “to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC). Hangarin ng programang ito na alamin ang ugat at mga problemang nararanasan ng mga barangay at masolusyunan ito sa pamamagitan ng sama-samang pag-uusap upang malaman ang pangangailangan at maihatid ang mga programa at proyekto mula sa gobyerno patungo sa mga lugar na apektado ng insurhensya.
Ang aktibidades ay isang magandang inisyatibo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na may mandato sa naturang progarama katulad ng Philippine National Police (PNP), Philippine Army, Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform (DAR), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, NATIONAL COMMISSION ON INDIGENOUS PEOPLES (NCIP), National Irrigation Administration (NIA), Office of the Prsidential Adviser on the Peace Process (OPPAP), Department of Tourism, Philippine Information Agency (PIA), Cooperative Development Authority AT IBA PA katuwang rin ang Lokal na Pamahalaan ng Labo at Provincial Government ng Camarines Norte sa pangunguna ni Governor Egay Tallado upang tulungan ang mamamarangay pagdating sa kanilang pangkabuhayan.

