MGA BAGONG PUBLIC COMFORT ROOM SA BAYAN NG DAET, BINUKSAN NA SA PUBLIKO.

MGA BAGONG PUBLIC COMFORT ROOM SA BAYAN NG DAET, BINUKSAN NA SA PUBLIKO.

Isang bagong-bago at malinis na Public Comfort Room sa Daet Elevated Town Plaza ang bubuksan para sa publiko.

Ito ay proyektong pinondohan mula sa DILG Local Government Support Fund – Assistance to Municipalities na inimplementa ng Lokal na Pamahalaan ng Daet sa pangunguna ni Mayor Benito “B2K” Ochoa para sa mga mamamayan ng Daet.

Bukod sa Elevated Plaza, may dalawa (2) pang kahalintulad na Public Comfort Room din ang isinagawa sa Integrated Terminal, Lag-On at Central Terminal sa Camambugan.

LIBRE itong magagamit ng publiko kung kaya ang paalala lamang sa mga gagamit ng mga Public Comfort Room na maging responsable at gamitin ito ng maayos upang mas mapakinabangan ng nakararami sa mahabang panahon.

Camarines Norte News,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *