MATAAS NA OPISYAL NG AFP – SOUTHERN LUZON COMMAND, PINAPURIHAN ANG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE DAHIL SA PAGPAPATUPAD NG MAHIGPIT NG MGA CHECKPOINTS!

MATAAS NA OPISYAL NG AFP – SOUTHERN LUZON COMMAND, PINAPURIHAN ANG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE DAHIL SA PAGPAPATUPAD NG MAHIGPIT NG MGA CHECKPOINTS!

Daet, Camarines Norte, Abril 19 ,2020 – Pinuri ni Lieutenant General Antonio G. Parlade Jr. ng Armed Forces of the Philippines Southern Luzon Commander at isa sa miyembro ng Joint Task Force Corona Virus Shield (JTF CV-Shield) ang Pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte at mga LGUs dahil sa mahigpit na implementasyon ng checkpoint ngayong sumasailalim ang bansa sa State of Calamity dahil sa CoViD-19.

Sa kanyang pahayag sa isinagawang courtesy call sa Sanguniang Panlalawigan kasabay ng Regular Session noong Miyerkules, Abril 15, 2020 nasorpresa umano ang opisyal sa mga checkpoint na umiiral papasok ng lalawigan.

Sa checkpoint, it took 5 minutes to let us pass. That is good. That’s how I was able to appreciate the Government of Camarines Norte who’s really very strict in the implementation of checkpointing. Isa yan sa rason why nananatiling COVID-Free ang Camarines Norte” ayon kay Parlade.

Binigyang-diin din ng heneral ang iba pang napansing best practices ng lalawigan kontra CoVid-19 tulad ng pagpapatupad ng social distancing at pagrerequire sa lahat ng mga mamamayan ng pagsusuot ng facemask.

I think you should be a model to a lot of other LGUs”, sabi pa ni Parlade.

Ayon pa sa opisyal, nakatulong umano ang magandang geographical features ng lalawigan upang makontrol ang mga papasok at lalabas ng Camarines Norte at ito umano ang dahilan kung bakit physically isolated ang nasabing probinsya.

Samantala, bilang isa rin sa kinatawan ng AFP sa Inter-Agency Task Force, pinag-aaralan din umano niya ang pagbibigay ng rekomendasyon na huwag nang mapabilang pa ang Camarines Norte sa magiging sakop pa ng Enhanced Community Quarantine kung magkakaroon modified community quarantine. Ito ay kung mapapanatili umano ng mga LGUs ang mahigpit na pagpapatupad pa rin ng mga guidelines at walang magpapasaway upang mapanatiling CoVid Free ang lalawigan.

Tiniyak naman ng heneral ang tulong ng AFP katuwang ang PNP kung matuloy ang early lifting ng ECQ sa Camarines Norte at nilinaw rin niya na ang pinal na desisyon ay magmumula pamahalaan.

Bukod sa Operation-COVID 19 visit, inihayag din ni Parlade kasama sina Brigadier General Rommel K. Tello, Brigade Commander ng 902nd Infantry Brigade at Division Commander Maj General Fernando Trinidad ang proposed Defense Industry Project Facility at iba pang Economic Activity sa pamamagitan ng mga estratehiyang gagawin at ilalatag sa kanilang pagbalik umano sa nasabing lalawigan. (Gian Terri G. Hernandez, Camarines Norte News)

(photo credits: Provincial Information Office – Camarines Norte)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *