SITE VISITATION AT TREE PLANTING, ISINAGAWA SA BRGY BIBIRAO

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2020/12/received_977391979450428.jpeg

Kasabay ng Site Visitation ay nagsagawa rin ng Tree Planting ang Pamahalaang Lokal ng Daet sa dating Dumpsite ng Barangay Bibirao, Daet, Camarines Norte.

Kabilang ang mga punongkahoy, at halaman sa mga itinanim ng mga dumalo sa programa.

Ito ay naisakatuparan sa pangunguna ni Mayor Benito S. Ochoa na nagtanim din ng puno sa naturang lugar

Kapansin-pansin ang pagbabago sa dating dumpsite ng lugar, na ngayon ay maaari nang tamnan ng mga halaman para sa kalikasan.

Ito ay matapos na isailalim sa masusing rehabilitasyon ang lugar sa inisyatibo ng LGU-Daet sa pangunguna pa rin ng Alkalde ng naturang Bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *