HALAGANG 441,000 PESOS MULA SA ECLIP PROGRAM NG PROVINCIAL GOVERNMENT IBINAHAGI SA 6 NA REBEL RETURNEES.

HALAGANG 441,000 PESOS MULA SA ECLIP PROGRAM NG PROVINCIAL GOVERNMENT IBINAHAGI SA 6 NA REBEL RETURNEES.

Tulong pinansyal na aabot sa kabouang 441,000 pesos ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng programang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).

Personal na iniabot ni Camarines Norte ECLIP Committee Chairman Governor Egay Tallado kasama sina Major General Henry A. Robinson Jr. 91D/JTF Nicol Brigadier at General Rommel K. Tello , commanding officer 902.

6 na Rebel Returnees ang nabiyayaan ng naturang programa, bawat isa ay tumanggap ng tig 15,000 cash assistance at pangkabuhayan na umaabot sa 50,000 at dalawa sa kanila na boluntaryong sumuko ng baril ang tumanggap ng 116,000 pesos dagdag pa ang 35,000 pesos bilang katumbas ng halaga ng baril ayon sa uri at kalidad nito

Ang nabanggit na aktibidad ay isinagawa sa loob mismo ng campo sa Tulay na Lupa, Labo,Camarines Norte.

Isa sa mga na benepisyohan ay si Ka-Erik personal niyang ipinaabot ang kanyang pasasalamat lalo na kay Governor Egay Tallado. Ayon sa kanya napakalaking tulong nitong halaga na ito para sa kanyang pamilya at sa kanila na ring pagbabalik sa pamahalaan.

Kasabay din nito ang kanyang panawagan sa kanyang dating mga kasamahang NPA na may gobyernong tutulong kayat kanilang hinihikayat ang mga ito na boluntaryo na rin silang sumuko sa pamahalaan.

Kasama rin sila sa labin dalawang rebel returnees na nakapagtapos ng Carpentry, electrical, automotive at iba pa sa ilalim pa din yan ng programang ECLIP.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *