DAET PUBLIC MARKET, ISINAILALIM SA DECONTAMINATION

http://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2020/12/received_158776169335682.jpeg

Isinailalim sa decontamination ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kabuuan ng Daet Public Market, nitong nakaraang araw, September 4, 2020 katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Daet.

Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang patuloy pang paglaganap ng sakit kagaya ng kasalukuyang kinakaharap na COVID-19 virus.

Patuloy naman na pinaaalalalahanan ng pamahalaan ang mga mamamayan para sa ibayong pag-iingat at pagsunod sa mga alituntunin na ipinatutupad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *