2020 WATER INFO-EXCHANGE PROGRAM, IDINAOS NG CNWD/PWCN

2020 WATER INFO-EXCHANGE PROGRAM, IDINAOS NG CNWD/PWCN

Nagdaos ang Camarines Norte Water District at Prime Water Camarines Norte (CNWD/PWCN) ng 2020 Water Info-Exchange kahapon, Setyembre 25, 2020 na may Temang “Information Sharing For Enhanced Water Security” na dinaluhan ng Ilang Media Personnel sa lalawigan ng Camarines Norte

Sa Unang bahagi ng programa ay nagkaroon ng Project Site Visit sa kasalukuyang itinatayong Alawihao Shallow Well ang ilan sa mga kinatawan ng CNWD kasama na ang mga dumalo sa nasabing pagtitipon

Pinangunahan ito ni Water Resources Department Head, PWCN Engr. Ruffa Mae Villeno at kanilang chemist na si Cynthia San Juan kung saan ipinaliwanag at ipinakita ang filtration process at kagandahang maidudulot ng proyekto para sa mga konsyumer ng lalawigan ng Camarines Norte kabilang na ang Daet, Mercedes, Talisay, Vinsons at San Vicente

Nagpatuloy ang programa sa Catherine’s Resort, Bagasbas Daet Camarines Norte kung saan nagkaroon ng presentasyon ng naging estado ng serbisyo ng CNWD-PWCN sa mga nakaraang taon at ipinabatid din ng ahensya ang mga kasalukuyang kinakaharap na hamon nito sa pagsasaayos ng kanilang serbisyo na pinangunahan ng kanilang Branch Manager Mark Anthony F. Muroda II

Sa huling bahagi naman ng programa ay nagkaroon ng Open Forum na bahagyang nagdulot ng tensyon sa pagitan ng Board of Directors Chairman, Adolfo Ogad at Prime Water nang magpahayag ito ng pagkadismaya sa mabagal umanong pagkilos ng Prime Water na nilinaw naman ng panig at sinabing ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mas mapaganda ang kanilang serbisyo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *