Ginawaran ng Certificate of Appreciation ng Lokal na Pamahalaan ng Daet ang mga tanggapan nito ngayong araw.
Personal na iginawad ni Daet Mayor Benito S. Ochoa ang nasabing mga sertipiko.
Ito ay bilang pasasalamat at pagkilala sa mga kawani na nagseserbisyo sa mga mamamayan lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Kasabay ito ng pagtatapos ng selebrasyon ng Civil Service Commission Month na pinagdiwang ngayong buong buwan ng Setyembre.

