BAGONG KASO NG COVID-19 SA BAYAN NG BASUD, ISANG MEDICAL FRONTLINER

BAGONG KASO NG COVID-19 SA BAYAN NG BASUD, ISANG MEDICAL FRONTLINER

Naitala ang ika- pitong panibagong kaso ng COVID- 19 sa Basud, Camarines Norte, matapos ang isang buwan, batay sa ulat ng Department of Health (DOH) kahapon

Sa opisyal na pahayag ni Basud Mayor Adrian Davoco kahapon, ang bagong kaso ng COVID- 19 na naitala sa naturang bayan ay may local code na Bicol #1966, 32 anyos na babae at isang nurse mula sa hindi na binanggit na barangay

September 15 nang una itong makaranas ng sintomas na ubo at sipon at nasundan ng pagkawala ng pansala at pang amoy nitong September 29

Nitong October 2 ay ipinagbigay alam ng pasyente ang kaniyang sitwasyon sa Camarines Norte Provincial Hospital sa pamamagitan ng Provincial Epidemiological Surveillance Unit (PESU) na siya namang nag refer sa RESU at isinagawa ang pagkolekta ng specimen at agarang dinala sa isolation facility ng CNPH kung saan ito ngayon nagpapagaling

Agaran naman umanong nagsagawa ng contact tracing ang pamahalaang lokal ng Basud nang malaman ang impormasyon at ngayon ay isinasailalim na sa quarantine procedures ang lahat ng close contacts ng naturang pasyente

Sa ulat din ng DOH kahapon ay nakapagtala na rin ng kauna- unahang kaso ng COVID- 19 ang bayan ng Paracale habang may tig- isang bagong kaso ang San Vicente at Mercedes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *